Money Made Easy Vol. 2 Issue # 10 I Kuripot Ka Ba?
“Akala ng karamihan na kapag malaki gumastos ang isang tao ay mayaman siya. Kapag laging branded ang suot na damit, may mamahalin na kotse at malaking bahay, at mahilig sa bongga na party, ang dating sa atin, successful at maraming pera. Pero totoo nga ba na mayaman ka na?
This is what we call status signaling—yung pagpapakita ng lifestyle para makita ng ibang tao na kaya mong bumili ng mga mamahaling bagay. Dahil nakikita ng lahat ang mga ito, madaling isipin na mayaman ka talaga. Kundi nasusukat ang iyong yaman sa total savings at mga investments na inyong napapalago.“